domeng

Bagyong Domeng, nakalabas na sa PAR

National News

Nakalabas sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Domeng.

Pero ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), patuloy na makakaranas ng mga pag-ulan ang ilang bahagi ng Luzon partikular sa may western section dulot pa rin ng southwest monsoon.

Pinag-iingat ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) ang mga residente sa nabanggit na lugar sa posibleng landslide at pagbaha.

Pinapayuhan ang mga mangingisda na delikado pa ring pumalaot sa mga lugar ng northern at eastern seaboards sa Northern Luzon, seaboards ng Central Luzon at ang western at southern seaboards ng Southern Luzon.

Inaasahang gaganda na ang panahon bukas, araw ng Martes.

1 patay, dahil sa bagyong Domeng

Kinumpirma ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) na isa ang patay dahil sa Bagyong Domeng.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Edgar Posadas, ang biktima staff ng isang resort sa El Nido, Palawan na nawala noong June 6 at natagpuan lamang nitong June 8 sa dalampasigan.

Maliban dito, wala nang naitatala pa ang NDRRMC na casualty dahil sa bagyo.

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *