uae

Mga OFWs na nakaranas ng pang-aabuso sa UAE, nakauwi na sa bansa

National News

Nakauwi na sa bansa ang nasa isandaang Overseas Filipino Workers na nakaranas ng pang-aabuso mula sa kanilang employers sa United Arab Emirates (UAE).

Personal na sinalubong ni Department of Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano kasama ang mga opisyal ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang pagdating ng nasabing mga OFWS.

Binigyan ng OWWA ng tig-limang libong piso (P5, 000) na financial assistance ang mga umuwing OFWS.

Bukod dito, magbibigay pa ang OWWA ng livelihood assistance para sa pagsisimula ng bagong buhay ng mga OFWS.

Mananatili muna sa OWWA shelter sa maynila ang mga OFWS na nakatira sa malayong probinsiya habang bibigyan naman ng pamasahe ang mga nakatira sa Luzon para makauwi na sa kanilang mga pamilya.

 

Germany, nangangailangan ng 500 Pinoy nurses

 

Samantala, inihayag ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na nangangailangan ng humigit kumulang sa limandaang Filipino nurses ang Germany.

Ayon kay POEA Administrator Bernard Olalia, nais ng gobyerno ng Germany na punuan ang mga bakanteng posisyon sa kanilang healthcare industry.

Sinabi ni Olalia na ang mga interesadong aplikante ay maaaring mag-apply sa website ng POEA o sa mga accredited recruitment agencies.

Ang mga makakapasang aplikante ay makakatanggap ng starting salary na 1,900 euros o 118,266 pesos.

Paalala ng POEA, tingnan ang listahan ng mga recruitment agencies bago mag-apply sa trabaho upang makaiwas sa mga scams o modus.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *