kadamay

Proseso sa pag-award ng pabahay, binalewala ng Kadamay

National News

Binalewala ng grupong Kadamay ang proseso sa pag-award ng pabahay.

Ito ang binigyang-diin ni National Housing Authority (NHA) Resettlement and Development Services Manager Elsie Trinidad.

Dagdag ni Trinidad, pinabilis nila ang proseso ng pag-award ng pabahay sa mga miyembro ng Kadamay sa pamamagitan ng Joint Resolution 2.

Paliwanag nito, hindi maaaring basta na lamang i-award sa Kadamay at iba pang sibilyan ang housing units na hindi naokupa ng AFP at PNP dahil restricted ang pondong ginamit dito.

Sinabi ni Trinidad na inaayos na nila ang implementing rules and regulations ng Joint Resolution 2 na hindi lamang eksklusibo sa mga miyembro ng Kadamay habang pinu-proseso ang papeles ng mga kuwalipikadong benepisyaryo.

Nilinaw ng NHA official na kapag inokupa na ang housing unit at sila na ang nandoon ay hindi otomatikong sila na ang magmamay-ari ng bahay dahil dadaan pa ito sa proseso.

Pinag-aaralan ng kanilang legal department kung ikukunsiderang iligal ang “Bantayang Bahay” ng Kadamay.

 

Kadamay, may ultimatum na sa pangulo

Hindi na hahayaan ni Pangulong Rodrigo Duterte na mang-agaw ng pabahay ang mga miyembro ng Kadamay.

Ginawa ito ng pangulo sa harap ng mga barangay officials na nanumpa sa Santa Rosa, Laguna.

Ipinag-utos ni Duterte sa Philippine National Police (PNP) na ipatupad ang buong puwersa ng batas laban sa mga magmamatigas na miyembro.

Binigyang-diin ni Pangulong Duterte ang ginagawang pagsunog ng mga miyembro ng Kadamay sa kanyang mukha sa kanilang mga protesta pero may gana pa silang humingi ng pabahay sa gobyerno.

 

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *