trillanes iv

Sen. Trillanes IV, haharapin ang isasampang kaso sa kanya ni Paolo Duterte

National News

Iginiit ni Senator Sonny Trillanes IV na handa nitong harapin ang isasampang kaso sa kanya ni dating Davao City Vice Mayor at presidential son Paolo Duterte.

Kasunod ito ng pahayag ni Paolo Duterte na kanyang ihahabla si Trillanes kaugnay sa pagsasangkot sa kanya sa P6.4-B halaga ng shabu shipment mula China.

Ayon sa senador, panggigipit ito sa kanya at walang kabuluhan ang isasampang kaso dahil nakapag-presenta na siya ng mga ebidensiya na mag-uugnay kay Paolo sa naturang usapin.

Pagdidiin pa nito, ginagamit ng administrasyon ang hudikatura laban sa mga kritiko nito.

Kasong libel ang nakatakdang isampa ni Paolo laban kay Trillanes.

 

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *