Peace agreement

Peace agreement ng gobyerno at CPP-NPA, ikokonsulta

National News

Ikokonsulta muna ng gobyerno sa kongreso at iba pang stakeholders ang magiging laman ng pinal na bersyon ng peace agreement bago lagdaan kasama ang mga rebeldeng komunista.

Ito ang pahayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III, na chairman din ng government peace negotiating panel, kasunod ng paglalagda ng dalawang panig sa isang “stand-down” agreement.

Sa ilalim ng stand down agreement, nagkasundo ang dalawang panig na magkaroon ng stand-down ang kani-kanilang armed units bilang paghahanda sa resumption ng peace talks.

Paliwanag ni Bello na ang paglagda ng gobyerno sa kasunduan ay hindi nangangahulugan na gawing pinal ang interim peace agreement.

Aniya, kukunin pa rin nila ang posisyon ng mga mambabatas at ibang sektor.

Una nang kinansela ni Pangulong Rodrigo Duterte ang scheduled resumption ng peace talks sa June 28.

 

Mungkahi na gawin sa bansa ang peace talks, suportado ni Drilon

Suportado ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang mungkahi ni Pangulong Rodrigo Du­ter­te na sa Pilipi­nas gawin ang peace talks sa pagitan ng National Democratic Front (NDF).

Si Drilon ay nag­silbing negosyador sa usapang pangkapayapaan sa mga nagdaang administrasyon.

Sinabi ni Drilon na hindi dapat maging hadlang sa usapang pangkapayapaan ang pagbabago sa lugar.

Aminado si Drilon na nagkaroon ng mahalagang papel ang Norwegian government sa peace process, pero panahon na aniya para sa Pilipinas naman gawin ang pakikipag-usap sa komunistang CPP-NPA-NDF.

Naniniwala si Drilon na kung sa Pilipinas gagawin ang peace talks, mas la­lakas ang kumpiyansa ng dalawang panig sa gaga­wing pag-uusap.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *