nawawalang mangingisdang Pinoy

2 nawawalang mangingisdang Pinoy, nailigtas ng mga Taiwanese fishermen

National News

Dalawang nawawalang mangingisdang Pinoy mula sa Camiguin ang nailigtas ng mga Taiwanese fishermen sa karagatan ng Batanes.

Ayon sa Philippine Coastguard-Aparri, Cagayan, napadpad sa karagatan ng Itbayat, Batanes sina Gilbert Dacaya, disi-otso (18) anyos at Romnick Rivera, disi-syete (17) anyos matapos masira ang kanilang bangka.

Anim na araw na nagpalutang-lutang sa dagat ang dalawa bago ito na-rescue ng mga Taiwanese fishermen.

Nai-turnover ang dalawa ng Coast Guard Taiwan sa lokal na pamahalaan ng Batanes.

Nasa mabuting kalagayan na ang dalawang mangingisdang Pinoy.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *