Propose mandatory drug test sa mga estudyante, isusumite ng PDEA sa DepEd

Section

Sa kabila na maraming kumokontra sa planong pagsasailalim sa mandatory drug test ng Grade 4 student pataas ay itutuloy pa rin ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang kanilang proposal at isusumite nila ito sa Department of Education (DEPED).

Sinabi ni Aquino na malaki na ang problema sa droga sa elementary dahil aniya sa isang anim na taong gulang na naaresto ng PDEA sa pagtutulak ng droga at nakumpiskahan 50 gramo ng shabu noong 2014 sa bahagi ng Mindanao.

Ayon kay Aquino, bago punahin ang kanilang gagawing mandatory drug test, ay hintayin muna ang pag-uusap ng DEPED.

Dagdag nito na nais lang iligtas o sagipin ng PDEA ang mga kabataan na nagagamit sa pagbebenta at pag-gamit ng iligal na droga.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *