Hindi nagpapaka-kampante ang Administrasyong Duterte at mga otoridad para labanan ang mga nangyayaring krimen sa bansa.
Ito ang tugon ni Presidential Spokesperson Harry Roque.
Kaugnay ito sa pahayag ni Senador Panfilo Lacson na nakababahala ang mga insidente ng pagpatay ngayon na ginagawa kahit may liwanag pa na hindi nito sinalungat.
Hindi nagpapabaya ang pamahalaan
Ayon kay Roque, nirerespeto nila ang opinion ni Senador Lacson pero ipinunto nito na hindi nagpapabaya ang pamahalaan.
Kung kaya nga mayroong Anti-Tambay campaign ang mga otoridad para maiwasan ang potensiyal na krimen sa mga lansangan.
Naniniwala ang Malakanyang na ang pagpapatupad ng Anti-Tambay campaign ay maitururing na mas pinaigting pang police visibility sa mga komunidad.
Ayon kay Roque, walang pagkakaiba ang estratehiyang ipinatutupad ngayon ng Administrasyong Duterte sa mungkahi ni Lacson.
Nagpapasalamat din ang Palasyo kay Lacson sa pagpapaalala nito.
Ulat ni: Hannah Jane Sancho